I. Panuntunan sa Nilalaman ng Blogsite
Ang TB Malaya blogsite ay naglalayon na makapagbigay kaalaman tungkol sa sakit na Tuberkulosis (TB)sa pamamagitan ng pagbabahagi online ng mga totoong pangyayari sa buhay ng mga taong apektado ng nasabing sakit na kinabibilangan ng (1) mga pasyente, (2) kamag-anak ng pasyente at (3) mga TB healthworker (sila ay tatawaging bloggers).
Kami sa TB Malaya, ay naniniwala na ang pagpapalaganap ng ganitong uri ng impormasyon ay makapagdudulot ng positibong pananaw sa mga Pilipino upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sakit na TB. Nilalayon din ng TB Malaya na tuluyang mapuksa ang diskriminasyon na ikinakabit ng komunidad sa sakit na TB.
II. Limitasyon ng Nilalaman ng Blogsite
Ang mga bloggers ay hindi pinahihintulutan na magbahagi ng anumang mga materyal na hindi totoo o syang magdudulot ng pagkalito sa mga mambabasa. Hindi rin pinapayagan ang mga bloggers na magbahagi ng mga mapanira, malisyoso, mapang-abuso at mapang-insultong mga materyal. Maging ang pakikialam sa pribadong buhay at pagbabanta sa ibang tao ay ipinagbabawal at hindi sinusuportahan ng TB Malaya.
Ang mga ibabahaging kwento at larawan ng mga bloggers ay magiging bukas sa publiko. Sa pamamagitan ng pakikibahagi ninyo sa proyekto ng TB Malaya, inyong binibigyang pahintulot ang TB Malaya na gamitin ang mga ito ng paulit-ulit, at walang bayad (pera o anumang bagay) –nangangahulugan ito na maaari naming kopyahin and gamitin ang inyong mga ibinahagi sa anumang paraan, lugar at pagkakataon kung sa tingin naming ito ay makakatulong sa adhikain ng TB Malaya na makapagpalaganap ng tamang impormasyon sa mga mambabasa.
III. Pagpapatupad ng Panuntunan
Isasagawa ng TB Malaya ang isa o perehong hakbang kung mapapatunayang may ginawang paglabag sa aming panuntunan ang mga bloggers:
IV. Paunawa sa Mga Mambabasa / Bisita ng TB Malaya Blogsite
Maraming salamat sa pagbisita sa TB Malaya blogsite. Hangad naming na ang mga impormasyon na inyong mababasa ay maging makabuluhan at makapagbigay sa inyo ng inspirasyon. Kung nais ninyong magbahagi ng inyong pananaw o kung meron kayong katanungan, maaari kayong mag-iwan ng inyong mensahe sa aming inilaang espasyo para sa inyong komento o makipag-ugnayan sa tbmalaya@gmail.com.
Nais naming ipabatid na mayroon kaming panuntunan sa TB Malaya blogsite. Ninanais namin kayong maging aktibo sa inyong partisipasyon at malugod naming tatanggapin ang inyong mga pananaw- maging ang inyong mga kritismo- ngunit amin ding hinihiling sa inyo na maging maingat at responsible sa inyong mga bibitawang salita. Pinakikiusapan namin na iwasan ninyong mag-iwan ng mga nakakainsulto at mapaminsalang pag-uugali, aksyon at komento patungkol sa aming mga bloggers. Bukas ang aming blogsite sa pagtanggap ng inyong mga opinion ngunit hinihiling naming na ito ay tumbasan ninyo ng nararapat na respeto at isa-isip ang mga tao mula sa iba’t ibang gulang na bumibisita rin sa TB Malaya blogsite.
Naniniwala kami sa malayang pamamahayag ngunit ipapatupad namin ang aming karapatan na alisin ang mga komento na sa aming pananaw ay hindi naangkop at makakabuti sa iba pang mambabasa.