Sino Ako Noon?
Isinulat ni Maricel R. Buen noong 26 August 2015
Ako si Maricel R. Buen, 38-taong gulang. Nagkaroon ako ng sakit na tuberculosis noong Nobyembre taong 2011 at sinabi ng aking doctor na ako'y magaling noong May taong 2012.
Ngunit pagkalipas ng 9 na buwan, may nangyari na hindi ko inaasahan. Muli akong inubo at ang sabi ko baka pilay lang ito, kaya ako'y kumonsulta sa albularyo. Ngunit dalawang linggo na ang aking ubo, di pa rin ito gumagaling. Kaya muli akong nagpa-doktor. Ang sabi sa akin ay may pneumonia daw ako. At mataas ang blood sugar level ko, kaya binigyan nya ako ng antibiotic at gamot sa diabetis. Matapos ko itong inumin ganon pa rin ang ubo ko, sabi ko baka ikamatay ko na ito. Kawawa naman ang mga anak ko maliliit pa sila na maiiwan ko.
Minsang nagsimba ako, napansin ng Pastor ko na nangangayayat ako kaya tinulungan nya ako na magpakonsulta sa pribadong pagamutan. Nalaman ng doktor na naggamutan na pala ako sa TB Category 1. Kaya siya nagpasyang ipagamot ako sa eksperto. Sa LCP-PMDT ko nalaman na bumalik ang sakit ko at MDR-TB na pala ito. Sa susunod ko na ikukwento ang buhay MDR-TB ko. Salamat sa pagbasa ng sulat ko.
ANG AKING BAGA
Ni Maricel R. Buen
Kung ako'y magbabalik tanaw sa aking nakaraan,
Tinatanong ko ang Maykapal
Bakit ako pa na walang ginagawang masama
Ay siya pang nagkaroon ng sakit sa baga.
Ngunit aking napagtanto,
Hindi pala dapat nagtatanong ng ganito.
Ang tanging dahilan ay palagian pagpupuyat
Kaya humina ang resistensya at inubo.
Noong una'y binalewala ko ito
Kung saan-saan ako nagtungo,
Wala silang maibigay na paliwanag para dito.
Aking napagtanto, baka ikamatay ko na ito.
Kagaya ng aking lolo at ng ama ko.
Dapat pala sa tamang pagamutan
kumukunsulta ako.
Tulad ng doktor na eksperto sa ubo at pulmonaryo.
Kaya ang maipapayo ko
'pag may ubo ng mahigit dalawang linggo
kumonsulta agad ng makasigurado.
Kumain ng sapat at wastong pahinga
ang kailangan nito.
Uminom ng maraming tubig
'yan ang pinakamahalaga
Mag-ingat, mangalaga at magpahalaga sa baga.
Comments (1)
Stuart:
Aug 28, 2015 at 09:18 PM
Maricel,
Ang bawat pasyenteng nakakapagtapos ng gamutan ay isang testimonya na ang sakit na drug-resistant TB ay nagagamot anumang hirap na kanyang pinagdaanan. Ikaw ay isang halimbawa na may magandang buhay na naghihintay pagkatapos ng gamutan. Maraming salamat at pinili mong makatulong pa sa iba pang pasyente upang maranasan nila ang nararanasan mo ngayong malaya mula sa sakit na TB! (^^,)
Aabangan ko ang mga susunod mo pang mga ibabahagi! (^^,)
Add New Comment: