Hashtag Negative

Hashtag Negative

Isinulat ni Lhady Pink noong 5 January 2016


Patient StorySa aking pag pasok sa aming treatment center, ako ay kinakabahan na parang may halong sayang nararamdaman sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Pagkuha ko sa bag ng aking booklet at lalagayan ng gamot, pag punta ko doon sa aming nurse kaya pala ganon ang aking nararamdaman na "masaya na kinakabahan" kasi ako pala ay NEGATIVE na. Sobrang saya ko dahil sa aking nalaman. Agad akong nilipat sa kabilang tent at doon ng nag-umpisa ang panibagong mga kaibigan. At nakasama ko din sa wakas ang mga una kong naging kaibigan. Siyempre hindi pa rin nawawala ang aking "injection." Noong Marso 2015 ako ay naging NEGATIVE.

At dahil sa NEGATIVE na ako, ako ay kinausap ng isa sa mga staff na may hawak ng choir. Sabi niya kung gusto ko daw bang mag-choir kasi alam nila na ako ay miyembro ng choir sa aming lugar. Syempre sagot ko, "Opo". At ako nga ay naging isang miyembro na choir naming kada misa tuwing general assembly.

Ako ay may alay ng tula sa mambabasa.

Napagawa tuloy ako ng tula. Yehey!!!! NEGATIVE na ako. Congrats sa akin!


Tags: negative

Comments (0)



Add New Comment: