Happiness at Blessings

Happiness at Blessings

Isinulat ni Bhe noong 14 December 2015


October 01, 2015. Ito ang araw na pinakahinihintay ko kasi araw ng pinakamahal kong anak at binyag niya. Sobrang saya ng aking anak na si Cutties Pink dahil isa na siyang ganap na Kristiyano. Kahit konti lang ang dumalo sa simbahan, okay lang sa akin at least special ceremony ang kanyang binyag. Solong solo naming ang simbahan sa loob ng isang oras, pati si Father Jhun. BheYun ang pinakaimportante sa lahat. Halos lahat ng loob ng simbahan may mga picture kasama si Father Jhun. Pagkatapos nun, may konting salo-salo kami sa McDonald's Montalban ng aking pamilya lamang. Ayaw kasi ng mga kamag-anak ko na kasama ang mga kaibigan at pamilya ko sa ospital. Masyado kasi silang maarte sa buhay, porke't may mga sakit daw at baka mahawa sila. Kaya gumawa na lang ako ng isang salo-salo para naman makasama ko sila. October 03, 2015 naman sa kanila. At least para naman maka-share sa happiness and blessings. Kahit papaano naging masaya rin kami.

Sa ngayon, masaya ako kasi kahit paano bumabalik na ang aking kalusugan. Unti-unti nang bumabalik ang aking mga gawain dati. Kaya kapag walang inuman sa ospital, sa simbahan at bahay lang kami ng aking anak at si Nanay. Siguro sa ngayon, naka 14 months na ako. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa lahat ng mga natatamasa ko sa buhay. Minsan masaya, malungkot at maraming pagsubok na dumating. Hindi ako magsasawa sa binigay ng Panginoon kasi halos lahat ng mga hilingin ko binigay Niya. That's life kumbaga. Kaya sa lahat ng mga tumutulong sa akin, maraming salamat po!

"Mahalin natin ang mga hayop, sila ay ating mga kapatid na tulad ng tao ay nilikha ng Panginoon." St. Francis of Assisi

"Ang dalawa ay naging isa…"


Comments (0)



Add New Comment: