Daloy Aking Luha
Isinulat ni Bb. Hugottera noong 25 November 2015
Marahil sa gitna ng bagyo'y dadaloy ang baha Iyong pinaghirapan unti-unting mawawala Kadiliman ng paligid hindi mo alintana na sa dami ng tao'y ikaw pa ang nasira Tulad na lamang ng punong-kahoy ika'y mapapadpad sa ibang nayon Kung saan marami sa kanila ang tutulong upang ika'y maibalik sa kahapon Sa pagdating mo doon sila'y nakatingin Maraming mata ang sa iyo'y nakabaling na tila'y alam nila ang iyong hinaing nangingibabaw ang sakit sa iyong damdamin Lumilipas ang araw at patuloy ka pa rin nasasaktan dahil sa mga katanungang walang kasagutan Bakit sa iyo'y ganito ang ibinigay isang buhay na tila nahihimlay Gusto mong bumalik sa nakaraan, na parang tila wala ng kulang Sapagkat mayroon ng "ako at ikaw" animo'y masayang nagmamahalan Lubos akong nagugulumihanan dahil sa mga pangyayaring nagdaan Kwento ng tunay na pagmamahalan dalawa nating hindi nakayanan
Comments (0)
Add New Comment: