Ang Paglalakbay Patungo sa Simula

Ang Paglalakbay Patungo sa Simula

Isinulat ni Kasehlel noong 25 August 2015


“Nakakatuwa dahil nakataposStory -Kasehlel highlight na ng kolehiyo. Unti-unti ko nang magagawa ang gusto ko para sa sarili at lalo na sa aking pamilya!”

Yaan ang karaniwang sinasabi ng karamihan, kaso hindi ako napabilang sa karamihan na yoon. Ako si Kasehlel, 24 na taong gulang at ito ang kwento ng hindi napabilang sa karamihan.

Oo masaya naman talaga makatapos ng kolehiyo lalo na’t wala kang naging hirap o pinagdaanan na malaking problema, hindi ba? Nakatapos naman ako ng kolehiyo nang maayos at masaya, lalo’t alam kong napasaya ko din ang aking pamilya. Bilang isang nursing student mas mapapasaya mo ang magulang mo kung makakapasa ka din ng board exam. Nagawa ko yun, nakapasa ako! Habang ang panahon ay tumatakbo meron din tayong masasabing naging problema sa loob ng pamilya at hindi mawawala yun. Pagkapasa ko ng board exam, nanatili ako sa bahay ng halos dalawang taon. Naoperahan din ako dahil kailangan tanggalin ang appendix ko. At pagkatapos, ay nakapagtrabaho na ako sa isang kompanya bilang company nurse at branch manager ng higit isang taon.

Taon-taon meron kaming checkup. Ang una kong taunang checkup ay noong 2011 at mabuti naman ang resulta. Pagtungtong ng 2012, doon may nakita ng hindi maganda sa baga ko. Bilang nurse, kinabahan ako ng sobra dahil kahit papaano ay may alam ako sa nabasa kong resulta. Kaya agad akong pumunta mag-isa sa pribadong ospital at nagpatingin sa espesyalista sa baga. Doon, napaiyak ako sa harap ng doktor nang sabihin niya na â€œ Iha, Tuberculosis ito at kailangan kang gamutin ng anim na buwan.” Naiyak ako dahil alam kong nakakahawa ito at ayaw kong mahawa ang pamilya ko. Pinapili muna ako kung iinom na ako ng gamot na pang tuberculosis o magpapasa muna ako ng plema. At ang sinabi ko ay magpapasa ako ng plema. Dahil wala naman akong ubo, mahirap maglabas ng plema na kaya halos laway na lang ang nalagay ko sa lalagyanan. Pagkapasa ko, hindi tinaggap dahil panay laway lang daw. Kaya kinabukasan, sinubukan ko ulit at sa wakas tinanggap naman. Ang resulta? Negative naman ito sa bakterya ng tuberculosis. Lumipas ang taon, hanggang sa noong 2013dumating ulit ang taunang checkup at ayun may nakita pa rin sa aking baga. Parehas na payo ang ginawa sa akin, pinagpasa ako ng plema at ito ay negative ulit. Pagkatutong ng taon 2014, ang resulta ng aking chest x-ray ay mas detalyado na. Nakasulat doon na Koch’s infection. Maliban sa pagpasa ng plema may ibang mga test na pinapagawa sa akin tulad ng IGRA atQuantiferon-TB. Ako ay naghanap ng ospital na gumagawa ng ganong mga test.

Bago dumating ang linggo ng takdang pagsusuri, bumisita ang aking nanay dito sa Pilipinas. Nagkaroon kami ng isang abala at masayang linggo. Ito ay masaya talaga dahil isang beses sa isang taon lang siya umuwi dito, dahil sa ibang bansa siya nakatira.  Pero ilang araw bago siya umalis at bago ako magpasuri…….. nilagnat ako! Lagnat na akala ko ay mawawala sa pag-inom ng gamot at ng tubig. Ang ilang araw na natitira na aking nanay dito sa Pilipinas para magsaya ay nauwi sa pag-aalaga sa kanyang nurse na anak. Oo, nagtuloy ang aking lagnat. bumababa naman ito kapag nakainom ako ng gamot pero tataas din ulit pagkatapos ng ilang oras. Lumipas ang tatlong araw at kailangan ng umuwi ng nanay ko sa ibang bansa. Handa pa siyang ipagpaliban muna ang kanyang byahe, pero sinabi ko sa kanya na “kaya ko na po ito mommy”, hanggang sa umalis na siya at ako ay nilalagnat parin. Makalipas ang isang araw, nagpadala na ako sa emergency room (ER). Dito ang naging resulta ay trangkaso lang daw at kapag hindi pa nawala ang lagnat kailangan ko bumalik sa ER. Umuwi kami ng tanghali at hindi pa rin nawala ang lagnat ko. Kaya kinabukasan ay dinala ulit ako sa ER at doon nakita na may tubig na pala ang baga ko. Kinailangan akong manatili sa ospital para ma-operahan dahil halos isang litro na ang tubig sa baga ko. At ang makukuha na tubig sa baga ko ay sasailalim din sa culture.

Nakakabigla lahat ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon kalala. Pinainom na ako agad ng unang linya ng gamot para sa TB bago pa ang operasyon. Habang hinihintay ang araw ng operasyon, tumawag pa ang aking nanay. Labis syang nag-aalala at gusto niyang umuwi. Pero sa kadahilanan na ayaw ko na siyang mahirapan at gumastos pa, sinabi ko ulit na “Kaya ko na po” at wag na siyang mag-alala. September 2, 2014 araw ng operation, naging matapang pa rin ako at naging matagumpay naman ito! Ilang araw din pagkatapos ng obserbasyon at pagpapagaling nakauwi na rin ako.

November 21, 2014 ang hinihintay na resulta ay dumating na. Pagkalipas ng dalawang buwan, lumabas ang resulta ng culture.  Resistant na ako sa lahat ng unang linyang gamot para sa TB. Grabe ang iyak ko dahil alam ko na kung ano’ng ibig sabihin nito pero paulit-ulit ko pa rin hinanap ang ibig sabihin ng “Resistant” sa dictionary, medical books at internet. Naghahanap ako ng sagot, dahil baka mali lang ang pagkakaalam ko. Naupo ako at tinitigan lang ang resulta ko ng buong gabi, hanggang sa tumagos na talaga sa isip ko na â€œOO, resistant talaga ako sa mga unang linya ng gamot. Kaya ko to!”  Nakakuha naman ako ng lakas, bumalik ako sa ospital para ipakita sa doktor. Laking gulat niya dahil unang beses ko lang naman magkaroon ng TB. Hindi ko napigilang umiyak ng sobra sa harap ng doktor at sabihing â€œDok, ano ng gagawin ko at saan ako makakakuha ng gamot?”hindi ko rin makalimutan ang ekspresyon sa kanyang mga mukha. Kaya tinawagan niya yung kilala niyang doktor sa Lung Center. Pinapila niya ako sa OPD-charity, dahil mas makakatipid at mas mabilis ang proceso. Nagpunta ako ng Lung center mag-isa kahit sobrang hirap pa akong huminga at masakit pa ang opera ko. Makalipas ang ilang oras, hindi ko masyado napagtyagaan ang pila dahil sa haba. Kaya pumunta ako sa OPD-Private, kinausap ako ng secretary ng doktor at nung narinig ng MDR-TB ang kaso ko nagsabi at sumenyas ang doktor sa sekretarya niya ng “bilisan mo”. Doon una ko naramdaman  na pinangdidirihan ako, sa doktor pa. Pero dahil bago ako pumunta sa ospital nagbaon na ako ng maraming lakas na loob at tapang, kaya hindi ako nagpaapekto doon. Tiningnan nung doktor ang mga resulta ko at ang sinabi niya ay “sige papagawa natin ulit yung mga test, tapos balik ka dito.” Hindi ako naging panatag sa sinabi niya kaya tumuloy ako doon sa pila ko sa may OPD-charity. â€œYES! Sa wakas ako na ang titingnan ng doktor” ang nasabi ko na lang bigla dahil 5:30 na ng hapon iyon. Pagkakita ng doktor ng mga resulta at pagkatapos ng pag-uusap namin, ako ay ipinasa niya sa isang programa na humahawak sa mga kaso ng pasyenteng may MDR-TB.

Doon sa hindi ko inaasahan na pakiramdam ay naging masaya ako kahit alam kong mahirap  At ako ay… NAGHANAP, NAGTANONG at NAGPAGAMOT.


Tags:

Comments (3)

  1. Kasehlel

    Adarna:
    Sep 03, 2015 at 05:50 PM

    inspiring!

    Reply

  2. Kasehlel

    cita:
    Sep 04, 2015 at 08:39 AM

    Iha, gaano katagal ang gamutan ng mdr-tb?

    Reply

    1. Kasehlel

      Kasehlel:
      Sep 05, 2015 at 02:41 PM

      Hello po Ms. Cita! Ang gamutan po ng mdr-tb ay inaabot ng 18 buwan.

      Reply



Add New Comment: