Laban Kaibigan

Laban Kaibigan

Isinulat ni Bb. Hugottera noong 1 December 2015


Aking kaibigan huwag malulumbay Bb. Hugottera
Hindi lamang ikaw ang nahihirapan
Isa lamang itong pagsubok na ibinigay
Upang pananampalataya iyong malaman
 
Huwag mong hayaan kainin ka ng lungkot
Baka sa pagtulog mo ika'y mabangungot
Iyong karamdaman ipagpasa Diyos,
upang lahat ng ito'y maisaayos
 
Ako'y tulad mo rin na nahihirapan
Sakit ng katawan aking nilalabanan,
mga tusok ng karayom pilit kinayanan
Maitawid lamang ang taunang gamutan
 
Sa dami ng mga tableta na ibinibigay
Hindi ko alam kung saan na ito ilalagay
Sikmura ko'y unti-unting humihilab,
at para ba ito'y kusang bumabaliktad
 
Habang hinihigop ang isang klase ng gamot
Kailangan pa nitong ipaikot-ikot
Matapos nito sikmura mo'y babaluktot
Hanggang sa ika'y mag-"pupururot"
 
Ito'y isa lamang sa aking naging karanasan
Sana mapagaan ko iyong nararamdaman
Aking kaibigan ganyan talaga ang buhay
Maraming pagsubok sa atin ang ibibigay

Comments (0)



Add New Comment: